Forewords | Chapter 1 | Chapter 2
“Kung pumayag ka kasing makipagpalitan sa akin ng schedule, edi sana hindi ganyan ka haba ang nguso mo,” sumbat sa akin ni Kyla sabay subo ng french fries. Kahit kailan talaga paborito ng babaeng ‘to ang prinitong patatas kaya minsan tinatawag ko rin siyang potato girl.
Medyo packed ang school cafeteria ngayong araw na ‘to kaya safe kaming mag tsismisan. We have fifteen minutes before our next period.
Sumubo ako ng dalawang kwek kwek -- my comfort food -- at saka uminom nung suka. I'm so stressed! Ako pa ba ang mali?
“So kasalanan ko pa na gano’n ka maldito yung number 29 na yun? Eh ano naman kung team captain siya ng basketball? Hindi siya invincible. Kahit si superman may kryptonite! Dapat una pa lang nag sulat na siya ng waiver na wag siyang tutulungan kahit bumulagta man siya sa gitna ng court. And ang baba ng pain tolerance niya! Such a cry baby!” I could honestly go on forever. Sirang sira na talaga ang buong dalawang linggo ko dahil sa gagong yun.
It's been a two weeks at hindi pa rin ako maka move on sa ginawang pagtrato sa akin ni number 29 nung championship game. Ewan ko ba. Naturally kinakalimutan ko ang mga experience na gano'n but I just can't make myself forget how he rudely he treated me. Baka PMS 'to? Super emotional ako. Pero may PMS ba na tumatagal nang two weeks?
“Wow ha. Judger much besh? Baka nakakalimutan mo na fan niya itong kausap mo,” Kyla said, talking about herself.
“Kung alam ko lang na magiging hostile ka towards Kirby edi sana hindi na ako pumayag makipagpalit ng station sa’yo. Baka nakakalimutan mo na originally sa volleyball ka dapat naka duty and ako sa basketball. But since everytime na nakikita mo si Justice eh name-mental block ka, I agreed na makipag swap sa’yo. Speaking of Justice ng buhay mo, wala naman siyang injury. Humingi lang siya ng band aid after ng game nila,” sabi ni Kyla.
“Right,” I said. Good thing walang nangyaring masama sa kanya. Well, I’m sure na kung meron man eh hindi siya katulad kay number 29 magrereact.
“Ano nga ulit ang reason kung bakit crush mo si Justice? Remind me,” sabi ni Kyla, wiggling her eyebrows.
Justice Damon Rivera. Captain of mens volleyball team. Matalino, gwapo, talented at higit sa lahat, mabait. Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya?
“Tama na nga yan. Ubusin na natin 'to nang makabalik na tayo sa classroom," I said. Kyla rolled her eyes at me. Alam na niyang ayokong sagutin ang tanong niya. Hindi kasi ako tulad ng ibang babae na gustong gustong pag usapan ang crushes nila. Nahihiya ako sa conversation na gano'n. Para akong nasa lie detector test. I'm not ready to bare my emotions for the world to hear.
Charot.
Pero seriously. Nahihiya talaga ako. Baka may makarinig pa sa'kin.
Habang naglalakad kami pabalik sa classroom, parang bumigat ang pakiramdam ko sa kanang paa ko. I looked down and my eyes widen in horror, "Shit tanggal ang swelas ng sapatos ko!"
Kyla looked at my shoes. Inangat ko ang paa ko para makita niya. Parang wala na yatang gamot ang kagutuman itong sapatos ko. Sabagay apat na taon ko na rin itong pabalik balik sa Mr. Quickie. Gusto na rin ata nitong mamahinga.
"OMG Dan! May glue stick ka ba? Mighty bond? Or kahit rubber band!" natatarantang tanong ni Kyla. Kahit kailan talaga itong babaeng 'to.
"Calm down besh. Keri ko 'to," I said to her. I tried to walk pero mukha akong pilay.
So pa'no na? Looks like I had to buy myself a new pair of shoes. Sana naman may mabili ako sa 400.00 na nasa bulsa ko kahit made in DV lang. Bawal pa naman ang naka sandals at slippers dito sa school na ito. Pero take note: ang micromini skirts hindi bawal.
"Pwede pahiram na lang muna ng spare shoes mo besh? Ibabalik ko na lang bukas. Bibili ako mamaya ng new pair," sabi ko kay Kyla.
"Sureness besh. Kukunin ko lang sa locker ko! Mauna ka na sa classroom."
Kyla is size 7 and I'm size 8. Bahala na. The only solution is tatambay na lang muna ako sa classroom hanggang matapos ang lahat ng periods ko for the day.
Habang naglalakad ako patungo sa classroom namin, dragging my right foot, may tumawag sa pangalan ko. I looked behind me and saw Raymond, and president namin sa org.
"Hey Sec," bati ni Pres. Sec as in secretary.
"Here's the request letter from the athletes association," he said sabay abot sa'kin nung white folder. "They want to conduct a first aid training para sa lahat ng athletes. After what happened to Kirby, they decided that it's important for athletes to know basic first aid. We will be assisting the week-long training sa end ng September. Alam mo na ang gagawin. Request ka ng trainers, training kits and dummies. Paki sabihan na rin si Tres na gumawa na ng budget proposal. Financial concerns will be shouldered by the athletes association."
"Uh. Okay," I managed to say. Normally, I would have been excited. I liked conducting and facilitating trainings because I could practice my teaching skills. Hello? BSED major in Biology student here!
Pero when I heard his name... shit! Don't tell me na kailangan ko na namang makita yung number 29 na 'yon!
Without as much as a pat in the back, tumalikod na si Pres at naglakad palayo.
***
2499?
2899?
3499?
4899?
5299?
Bakit ba walang sakto sa mga presyo ng mga sapatos na ito? Lahat may 99 sa dulo?
Sinasabi ko na nga ba. Kahit tumingin ako sa mga naka-sale dito sa mall, hindi ko pa rin kayang bilhin ang mga sapatos dito. Walang kwentang 3-day sale.
Kahit 90% sale pa ang gawin nila doon sa pinakamura nilang sapatos.
Ayan Dan. Umasa ka pa kasi. Nasaktan ka tuloy.
Bakit ba kasi ako pumunta pa dito sa mall? Dapat talaga dumeretso na lang ako sa divisoria. Ang sakit na ng mga paa ko dahil sa 1-inch smaller na sapatos na pinahiram ni Kyla. I walked towards the stall's bench, took off the shoes I was wearing and assessed the damage. May na peel na skin sa bandang sakong ko kaya pala ang sakit. Pa'no ako makakapunta ng Divisoria nito?
"Uh Miss, kung hindi ka bibili, wag ka tumambay dito sa loob? May mga magsusukat. Doon ka na lang sa labas tumambay," sabi sa'kin nung sales lady habang nakataas ang isang kilay.
Naramdaman kong uminit ang mukha ko.
"Ay sorry naman ate. Ang sakit lang kasi ng paa ko kaya umupo muna ako. Sorry kung nalugi ang one minute mo. Wala sanang bumili sa'yo," sa sobrang inis ko, tiniis ko ang sakit ng paa ko at naglakad palabas ng stall. Ang taray naman nung babaeng 'yon. Ang sakit talaga ng paa ko. Kung pwede lang magpaa pauwi eh.
Papalabas na sana ako ng stall ng may biglang humawak sa kapay ko. I stilled and my eyes met his. What is he doing here?
"No miss. She's going to buy something. Pagod lang siya kasi kanina pa kami nag-iikot sa loob nitong mall. Next time, treat your customers better. And could you please ask one of your colleagues to assist us instead of you? Thank you."
In fairness ang macho ng boses. Marunong naman palang magsalita itog kumag na 'to.
Namula ang mukha nung sales lady pero hindi dahil sa galit kundi dahil sa hiya. Nauutal siyang nag sorry sa akin at sa matangkad na lalaking katabi ko. Ewan ko kung bakit pero parang hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Anong she's going to buy something? HINDI ako bibili! Wala akong pera!
When the sales lady left, I finally unravelled my tongue. I turned to the guy next to me, hands on my hips, "Hoy anong drama 'yon? I'm gonna buy something? I'm tired because I was walking around the mall with you? Eh last time kitang nakita pilay ka at kaaway ang mundo."
I took steps palabas ng stall. Gosh ang paa ko! Deep breath Dan. Inhale... exhale... Kaya mo yan. Don't show any weakness!
The persistent guy blocked my way. Napansin kong nakakalakad na siya ng maayos and before I could stop myself, I said, "Magaling ka na."
He smiled, surprisingly, flashing a perfect set of white teeth. Malamang binakuran ang ngipin niya kaya gano'n ka straight. He said, "Yes I healed quickly. Thanks to you," Then kinamot niya ang batok niya, "Actually, I just want to apologize for how rudely I treated you last time. I know I was a jerk and I wanted to say sorry for days but I couldn't find you. Pumunta lang ako dito sa mall to look at the shoes on sale when I saw you."
"Whatever. Anyway, FYI hindi ako bibili kasi hindi kaya ng budget ko. So, if you'll excuse me kailangan ko pang pumunta sa Divisoria," I said and took another step. Kirot!
His brows furrowed. He looked at his watch and then at me, "No way! It's already 9 pm. Hindi na safe pumunta do'n!"
"Don't tell me what to do nga! Hindi naman ikaw ang mahoholdap or masasabugan just in case so wag ka magreklamo. And gabi na nga so don't delay me any further."
"Sorry but I insist," he said with finality in his tone at saka hinatak niya ako papunta sa bench nung stall. He picked a black shoe and went over to me.
"I saw you looking at this. What's your size?"
Hindi ako nagsalita.
He shrugged his shoulders. Sakto naman dumating yung mag aassist sa amin. Number 29 asked, "Do you have available sizes for this?"
"Yes Sir. Available pa po ang lahat ng sizes ng model na yan."
"Great. Give me a sizes 7, 7.5 and 8."
Nanlaki ang mga mata ko. Yun yung 5299 na sapatos na nasa 20% off! Wala akong pambayad dun! Baka pinagtitripan lang ako nitong lalaking 'to!
"You know what, hindi ako nakikipaglokohan sa'yo. Wala talaga akong pambayad. I'm not rich like you so if this is just a gimmick to embarrass me--"
"Whoah! Stop right there. Ang sakit mo naman magsalita. Gano'n ba talaga ang tingin mo sa'kin? I was a jerk to you and I apologized for it. Gusto ko lang naman bumawi," he said. He really did look like he's hurt.
Naks. Nakonsensya tuloy ako.
"Seriously stop it. Para kang bata. Ang bilis mong masaktan. Wala nga akong pera at kahit pautangin mo ako wala akong ibabayad sa'yo!"
"It's not utang. It's free. It's my form of sorry."
"Di mo na kailangang bilhin ang forgiveness ko dahil walang presyo yun."
Sasagot sana siya nang dumating na yung sales lady. May hawak siyang tatlong boxes.
"Try them on," said number 29.
"No."
"If you don't try them on, I'll buy them all for you," he warned.
Damn Sira na ata ang ulo nito. Sanay sa what-I-want-I-get na buhay! Pero sige na nga! Since kailangan ko naman talaga eh. At saka hindi na talaga ako makakapunta ng DV nito.
Sus! Kunwari ka pa! Gustong gusto mo talaga yung sapatos na yun! Wag ka na magpakipot!
"Fine! You're so mean and bossy!"
Ngumiti siya. Ngiti ng tagumpay. I rolled my eyes at him. Hinubad ko ang suot kong sapatos. Buti na lang may medyas ako kaya hindi makikita ni number 29 yung sugat ko sa paa.
Sinukat ko ang size 8. Ang sarap sa paa!
"How much?" tanong ni number 29.
"5299 Sir but since 20% off po siya, 4239 na lang po. Pero may promo po kami. Kung kukuha po kayo ng two pairs, magiging 40% off each. Unisex naman po siya," explained the sales lady.
I expected number 29 to say no pero naloka ako sa sagot niya.
"Great! Get me another one in size 9. Same color," he said.
Ano 'to? Couple shoes?
Gaga wag kang feelingera girl! Sinasamantala niya lang ang sale. My subconcious said to me.
After magsukat ni number 29, binayaran na niya ang binili niya sa counter. Gusto ko nang makawala sa maliit na sapatos ni Kyla pero sinikap kong tiisin ang hapdi. Go Dan! Konti na lang makakaupo ka na sa jeep pauwi!
"Here," Inabot sa akin ni number 29 ang isang blue paperbag. "Don't thank me. It's an apology gift."
Siningkitan ko siya ng mata. "THANK YOU," I said, with emphasis.
He smiled again and said, "Ang strong ng personality mo Ms... Ano nga pala pangalan mo?"
Grabe nagkasagutan na kami at lahat lahat, hindi pa pala niya alam ang pangalan ko.
"I mentioned my name to you in the gym. Hindi mo maalala?" tanong ko.
He smiled sheepishly, "Hindi eh."
"Dan."
"Dan? Dan what?"
"Dan na lang. Sapat na yun. May itatawag ka na sa'kin."
He shook his head at me. Akala niya.
"May load ka ba? I need to make a call eh," he said to me. Tumaas ang isa kong kilay.
"Marami kang pera pero wala kang load?" tanong ko.
He shrugged. "Naka prepaid kasi ako. Hindi pa ako nakakabili ng card. Promise isang call lang."
"Fine," at inabot ko sa kanya ang phone kong Samsung Galaxy pocket.
He dialed a number and after a while, he gave my phone back to me.
"Thanks. Hindi sumasagot eh."
"Sino ba yung tinatawagan mo?"
"My girlfriend."
Nagfreeze ako ng mga three seconds. OMG! Baka sabunutan ako nung jowa nito!
"Hala! Baka magalit yung girlfriend mo pag nakita tayong magkasama! Loko ka wag mo akong ipapahamak! At isa pa ipaintindi mo sa kanya na hindi kita type kaya no need na mag selos siya!" I said. Alam ko pa naman kung paano mag react ang mga magagandang babae dun sa school namin. May mga pera nga pero away kung away.
Tumawa ng malakas si number 29 sa sinabi ko, "Don't worry. She's in Baguio right now with her family. She won't see us."
"There's no US okay?"
Tumawa ulit siya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nakakahiya. Iniisip siguro nila kung ano ang ginagawa ng pangit na katulad ko kasama itong gwapong baliw na ito.
"Tapos ka na? Kasi magsasara na ang mall oh. 10 pm na."
May tears of joy pa tong si mokong. Pinunas niya yung gilid ng mata niya. "Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita," he offered.
"Nako wag na. And wag kang makulit kung hindi ibabalik ko sa'yo tong sapatos."
"Pero gabi na. It's not safe. I insist. May friend ako na naggaGrab. I'll call him. Don't worry it's safe and it's free," he said, then winked at me.
Ang kulit naman neto! He made a call and magmention siya ng instructions. Like 99% of the students, naka iPhone siya. Yung newest model pa!
Wait lang!
Bakit parang something is off?
"Akala ko ba wala kang load?" I demanded.
He looked at me innocently at itinago ang phone niya.
"Wala nga. I called him using Viber. I do have internet connection and so does he."
Bakit parang hindi ako naniniwala. Gusto kong malaman kung nagsasabi siya ng totoo or hindi pero I decided to leave it be. Wag niya lang akong ipahamak kung ayaw niyang masaktan. We decided na mag hintay sa labas ng mall. Ilang minuto lang, may humintong white Santa Fe SUV sa tapat namin. Talaga? Ito ang gamit niyang sasakyan for Grab?
"Oh he's here," sabi ni number 29. "Hey Greg!"
Binuksan ni number 29 ang pinto ng sasakyan.
"Hey buddy. This is Dan. Dan, Greg. Short for Gregson. Ingatan mo siya bro. I would've driven her home pero ayaw niya."
Tumawa naman itong Greg. Parang sira. Ano'ng nakakatawa?
"Sure bro," Greg guy replied.
Pumasok na ako sa sasakyan. Bago kami umalis, nagpasalamat rin naman muna ako kay number 29. He just smiled at me and said, "No problem. See you around!"
I sighed. No doubt about that.